GMA Logo cassy legaspi
What's Hot

Cassy Legaspi, kinilig sa pagdating ng 'It's Showtime' sa GTV: 'Yehey makikita ko na siya!'

By Jimboy Napoles
Published June 23, 2023 1:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: December 23, 2025 [HD]
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

cassy legaspi


Cassy Legaspi sa pagdating ng It's Showtime sa GTV dahil sa isang hurado rito.

Hindi naitago ng Eat Bulaga host na si Cassy Legaspi ang kaniyang mga ngiti nang tanungin siya tungkol sa nalalapit na pagdating ng It's Showtime sa Kapuso channel na GTV.

Simula kasi sa July 1, mapapanood na nang sabay sa Kapuso channels ang dalawang programa. Ang Eat Bulaga sa GMA at ang It's Showtime naman ay sa GTV.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Cassy, masayang ibinahagi ng aktres ang kaniyang reaksyon tungkol sa nasabing pagsasama ng dalawang noontime show sa iisang network.

“Well, I am friends with someone on It's Showtime, alam niyo na 'yun kung sino,” kinikilig na sinabi ni Cassy.

Dagdag pa niya, “So I'm very excited. You know we're gonna be one big happy family."

Biro pa ng actress-TV host, "Yehey makikita ko na siya, 'di joke lang."

Nang tanungin naman siya kung paano niya iwe-welcome ang kaibigan sa kabilang programa, ito kaniyang naging sagot, “Dapat mag-guest muna siya dito [laughs].”

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Cassy sa It's Showtime ay ang singer na si Darren Espanto. Matatandaan na makailang ulit na ring nasilayan ng marami ang kanilang sweet photos na magkasama sa kanilang mga social media.

Samantala, welcome na welcome din para sa kambal ni Cassy at kapwa Eat Bulaga host na si Mavy ang naturang noontime show ng ABS-CBN.

Ayon kay Mavy, bumibisita rin siya noon sa nasabing programa nang maging guest host doon ang kanilang ina na si Carmina Villarroel kung kaya't halos kaibigan niya rin ang mga hosts nito.

Aniya, “Oh siyempre, si Ate Meme si Ate Vice, I'm so happy na they're all here. Actually nag-guest host for a while si mama doon and noong guest host pa si mama doon bumibisita ako kay mama so I'm very familiar with them, I'm so happy that they're here and I hope na magkaroon ng collaborations soon.”

Para kay Mavy, iisa lang naman ang nais ng dalawang noontime shows at ito ay ang makapagpasaya ng maraming manonood.

“At the end of the day kahit ano pang show 'yan we all have the same goal to make our studio audience happy and of course the televiewers,” ani Mavy.

Bukod sa Eat Bulaga, napapanood din ngayon si Mavy sa kilig series ng GMA na Love At First Read kasama ang kaniyang on-screen partner na si Kyline Alcantara.

SILIPIN NAMAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA CASSY LEGASPI AT DARREN ESPANTO SA GALLERY NA ITO: