'It's Showtime', magpapasikat sa GTV!

G na G na ba kayo, Madlang People?
Mas lalong exciting at entertaining ang noontime block ng GTV dahil mapapanood na rito ang 'It's Showtime' simula July 1.
Unang napanood 'It's Showtime' bilang pre-noon variety show noong October 24, 2009. Noong nakaraang taon, ipinagdiwang ng programa ang 13th anniversary nito.
Ang hosts ng 'It's Showtime' ay pinangungunahang ng tinaguriang 'Unkabogable Star' Vice Ganda kasama sina Vhong Navarro, Teddy Corpuz, at Jugs Jugueta.
Tila homecoming din masasabi ang pagpapalabas ng 'It's Showtime' sa GTV para sa ilang host nito na dati ring Kapuso. Una na diyan ang former 'Bubble Gang' actor na si Ogie Alcasid at 'Encantadia' star na si Karylle Yuzon.
Bumida rin sa ilang GMA-7 shows ang bankable actress at host na si Anne Curtis, na naging parte noon ng 'Nuts Entertainment.'
Kabilang din sa star-studded line-up ng show sina Jhong Hilario, Kim Chiu, Ryan Bang, Amy Perez, Ion Perez, and Jackie Gonzaga.
Tara at alamin natin ang ilang trivia tungkol sa mga host ng 'It's Showtime' DITO.
Panoorin ang It's Showtime at iba pang GTV sa mas pinalinaw na digital display ng GMA Affordabox! Para naman sa mga on-the-go, abangan ang inyong mga paboritong Kapuso programs sa pamamagitan ng GMA Now gamit ang inyong Android phones!













