GMA Logo Beauty Empire in Family Feud
What's on TV

Cast ng 'Beauty Empire,' maghaharap sa 'Family Feud!'

By Maine Aquino
Published July 3, 2025 1:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LA Tenorio, Yukien Andrada relish Magnolia debuts as playing coach, rookie
December 22, 2025: One North Central Luzon Livestream
Check out these gifts that champion health and comfort

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Empire in Family Feud


Abangan sina Sam Concepcion, Isay Alvarez, at iba pang cast ng 'Beauty Empire' ngayong July 3 sa 'Family Feud!'

Ngayong July 3 gaganapin na "Ang Pinakamagandang Laban" sa Family Feud!

Mapapanood sa Huwebes ang pagdating ng cast ng Beauty Empire sa pinakamasayang family game show sa buong mundo. Maglalaro ang Team Noreen at Team Shari mula sa revenge drama ng GMA Network, CreaZion Studios, at Viu Philippines na Beauty Empire.

Ang karakter na Noreen Alfonso na rags-to-riches beauty entrepreneur ay gagampanan ni Barbie Forteza. Samantala ang social media-famous beauty CEO na si Shari De Jesus naman ang karakter na gagampanan ni Kyline Alcantara. Ang kanilang teams ang magpapagalingan sa paghula ng survey questions sa Family Feud.

Mula sa Team Noreen, maglalaro ang actor, singer, and dancer na si Sam Concepcion. Sasamahan pa siya ng veteran actresses na sina Isay Alvarez at Neomi Gonzales at ng rising star na si Polo Laurel.

Samantala, maglalaro naman sa Team Shari si Chai Fonacier kasama sina Aaron Maniego, Alex Agustin, at Arkel Mendoza.

Saksihan ang "Ang Pinakamagandang Laban" ng cast ng Beauty Empire sa Family Feud ngayong July 3!

“Happiness Overload” ang hatid ng Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.