GMA Logo Encantadia Chronicles: Sanggre x  Family Feud
What's on TV

Cast ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre,' maglalaro sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published June 16, 2025 10:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles: Sanggre x  Family Feud


Abangan ang cast ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre' ngayong June 16 sa 'Family Feud!'

Ilang oras bago ang inaabangang world premiere ng Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong Lunes, maglalaro muna ang buong cast sa pinakamasayang family game show sa buong mundo, ang Family Feud!

Sa June 16, ang cast ng highly-anticipated fantasy sequel na Encantadia Chronicles: Sang'gre ang makikisaya sa Family Feud stage. Sa muling pagbubukas ng mundo ng Encantadia, ipakikilala ang new generation of royal Sang'gres.

Mula sa Team Terra maglalaro ang new Sang'gres na sina Bianca Umali (Terra), Angel Guardian (Deia), at Kelvin Miranda (Adamus). Makakasama pa nila ang longtime fan na isa rin sa mga writers na si Greg Aldrin.


Samantala, si Rhian Ramos na gaganap bilang Mitena ang mamumuno sa Team Mitena. Kasama niya sa Team Mitena ang kaniyang co-stars na sina Gabby Eigenmann (Zaur), Jon Lucas (Daron),at superfan na si Ara delos Reyes

Abangan ang exciting na pagbisita ng cast ng Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong June 16 sa Family Feud!

“Lahat Panalo” sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.