What's on TV

Cast ng 'Haplos,' nagsamasama sa pilot viewing kasama ang ilang fans

By Marah Ruiz
Published July 11, 2017 10:33 AM PHT
Updated July 11, 2017 10:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Nagdaos ang 'Haplos' ng isang espesyal na pilot episode viewing party kasama ang ilang mga Kapuso fans. 

Kahapon, July 10 umere ang unang episode ng pinakabagong GMA Afternoon Prime series na Haplos.

WATCH: The full pilot episode (July 10) of 'Haplos'

Nagdaos ang programa ng isang espesyal na pilot episode viewing party kasama ang ilang mga Kapuso fans. 

Dumalo naman sa nasabing event ang ilang miyembro ng cast na sina Sanya Lopez, Rocco Nacino, Thea Tolentino, Emilio Garcia at Francine Prieto para magkakasamang panoorin ang unang episode ng kanilang serye. 

Sumama rin sa pilot viewing ang direktor nitong si Gil Tejada Jr.

 

Thanks for watching #Haplos ?? @nacinorocco @sanyalopez @theatolentino Emilio Garcia & Direk Gil Tejada Jr., namiss namin sina Patricia, Pancho & Diva ???? Pilot episode palang busog na busog na sa mga ganap! ?????????? A big thank you to our GMA bosses & executives, sa aming napakahusay na creative team, our awesome production team, staff & crew. Congratulations sa ating lahat at maraming salamat sa aming PM Miss Ali Nokom-Dedicatoria, our EP Miss Reylie Manalo at sa masipag naming TC si Lester Buenviaje. At higit sa lahat maraming salamat sa aming nakapagaling na director Direk Gil Tejada Jr. sa pagguide sa amin para magampanan namin ng maayos ang bawat character sa istorya. Bukas ulit, 4:15pm after Impostora sa GMA Afternoon Prime. ????

A post shared by Francine Prieto (@norweirdgian) on


Mainit ang naging pagtanggap sa unang episode ng serye. Pasok pa ang official hashtag nitong #Haplos sa second spot ng trending topics sa Twitter Philippines. 

READ: Netizens, naging mainit ang pagtanggap sa 'Haplos'

Bukod doon, lubos na kinakiligan ang kissing scene nina Angela at Gerald na ginagampanan nina Sanya at Rocco. 

Patuloy na sumubaybay sa Haplos, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Impostora sa GMA Afternoon Prime.