
Puno ng suporta ang ipinakita ng The Secrets of Hotel 88 actress na si Mika Salamanca sa horror film na Huwag Kang Titingin.
Kamakailan, masayang nagpa-block screening ang Kapuso actress kasama ang kanyang mga kaibigan at ilan sa cast ng pelikula.
Dumalo sa special screening sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Michael Sager, Charlie Fleming, Kira Balinger, Josh Ford, at Sean Lucas.
Naroon din si Will Ashley, na masayang nakipag-bonding din sa kanyang mga kaibigan.
Sa panayam sa 24 Oras, labis ang pasasalamat ng cast sa ipinakitang suporta ni Mika sa kanilang proyekto.
"Super thank you kay Ate Mika kasi nag-show siya ng support sa Huwag Kang Titingin at sana ma-enjoy nila," ani Sofia.
Thankful din si Allen sa suporta ng Kapuso actress at sa lahat ng kanilang fans.
"Ganoon talaga 'yung mga sumusuporta sa amin. Talagang nag-effort sila, bumyahe pa kung saan-saan. Isa na rin 'yung sa parang time na magkita-kita kami, mapanood nila ang pelikula kasama kami," pahayag ni Allen.
Samantala, naantig si Michael sa pagtupad ni Mika sa kanyang pangako noong sila ay nasa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
"Inside the house, sinabi niya sa amin na parang kapag may mga project kami after PBB, susuporta talaga siya. She kept her word. I was touched kasi parang grabe 'yung suporta niya for us. Maraming housemates ang part dito," kuwento niya.
Para naman kay Josh, ramdam niya ang pagmamahal ni Mika bilang kanyang co-star at ate sa The Secrets of Hotel 88.
"She's my Ate Luna 'di ba, so thankful ako na nagpa-block screening siya para sa movie namin. Para mas maraming sumuporta and para mapanood nila 'yan."
Huwag palampasin ang horror film ng GMA Pictures at Mentorque Inc. na Huwag Kang Titingin, mapapanood na sa mga sinehan nationwide!
Kasama rin sa cast sina Anthony Constantino, Sherilyn Reyes-Tan, at may special participation si Shuvee Etrata.
Samantala, silipin ang Huwag Kang Titingin blockscreening ng fans sa gallery na ito: