GMA Logo Cast of Sanggang Dikit FR in Family Feud
What's on TV

Cast ng 'Sanggang Dikit FR,' magpapakita ng husay sa pagsagot sa 'Family Feud!'

By Maine Aquino
Published July 14, 2025 3:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 20, 2025) | GMA Integrated News
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Cast of Sanggang Dikit FR in Family Feud


Action packed Monday (July 14) ang ating mapapanood sa 'Family Feud' dahil maglalaro ang cast ng 'Sanggang-Dikit FR'.

Ang cast ng hit GMA Prime series na Sanggang Dikit FR ang magsisimula ng ating masaya at exciting week sa Family Feud.

Magtatapat at magpapakita ng husay sa paghula ng sagot sa survey questions ngayong Lunes (July 14) ang Team Sanggang-Dikit at Team For Real.

Mula sa Team Sanggang-Dikit, tatayong leader ang actress-model na si Sam Pinto. Makakasama niya sa grupo ang veteran screen icon na si Nova Villa, model-actress na si Marina Benipayo, at ang award-winning chef-turned-actress na si Abi Marquez.

Magiging leader naman sa Team For Real si Jeffrey Santos. Makakasama niya ang iba pang talented men ng Sanggang-Dikit FR na sina Roi Vinzon, volleyball star-turned-actor na si John Vic De Guzman, at ang aktor na si Kiel Rodriguez.

Kaabang-abang din sa episode ngayong gabi ang asaran sa pagitan nina Ms. Nova Villa at Mr. Roi Vinzon. Kaninong veteran moves kaya ang mananaig?

Saksihan kung ano ang magaganap sa paghaharap ng cast ng Sanggang-Dikit FR ngayong July 14 sa Family Feud!

“Happiness Overload” ang hatid ng Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Para sa home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.