
Ngayong Biyernes, May 22, maghaharap sa Family Feud ang mga bida ng upcoming seryeng Taskforce Firewall. Tampok ngayong May 22 ang samahan at chemistry ng ilan sa pinakamahuhusay na Kapuso stars ng kanilang henerasyon.
Bago ang inaabangang premiere ng Taskforce Firewall sa May 25, susubukan muna ang kanilang talino at teamwork sa Family Feud stage.
Tampok sa Taskforce Firewall ang kuwento ng isang specialized task force na binubuo ng mga law enforcers at tech experts.
Mangunguna sa Team Galo si Miguel Tanfelix, na mapapanood bilang “Galo” sa serye. Makakasama niya ang volleyball star at aktor na si John Vic De Guzman, ang multi-awarded actor na si Allen Dizon, at ang versatile actor na si Dominic Ochoa.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Samantala, pamumunuan naman ni Kylie Padilla ang Team Isa. Siya naman ay bibida sa serye bilang ang fearless na si “Isa.” Kabilang din sa kaniyang grupo sina Kyline Alcantara, Lexi Gonzales, at Cheska Fausto.
Puno ng aksyon ang fresh episode ng Family Feud ngayong May 22, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, The Master Cutter, at Never Say Die.