
Nitong November 8, nagsama-sama ang ilang cast ng bagong fantasy-romance series ng GMA Public Affairs na The Lost Recipe bilang paghahanda sa kanilang lock-in taping.
Photo source: The Lost Recipe
Nagkaroon sina Thea Tolentino, Paul Salas, at Prince Clemente ng isang Sunday bonding kasama si Chef Anton Amoncio. Ang Food Hero Asia 2016 winner na si Chef Anton ay consultant ng The Lost Recipe at isa rin sa kanilang co-actors.
Sa Sunday bonding na ito, isang kitchen tour ang ginawa nina Thea, Paul, Prince, at Chef Anton sa mismong location kung saan sila magti-taping para sa show. Sinubukan din nila ang iba't ibang cooking process at nag-observe sa kitchen para paghandaan ang kanilang mga eksena sa The Lost Recipe.
Photo source: The Lost Recipe
Bago nito, sumailalim na rin sa kitchen training sina Thea, Paul, at Prince. Nakasama nila sina Kelvin Miranda, Mikee Quintos, Phytos Ramirez, Faye Lorenzo, at Crystal Paras.
Abangan ang nalalapit na pagsisimula ng The Lost Recipe soon sa GMA News TV.
'The Lost Recipe's first teaser earns praises from netizens
Thea Tolentino, na-excite dahil walang agawan ng lalaki sa kanyang bagong kontrabida role
Mikee Quintos and Kelvin Miranda share their preparation for 'The Lost Recipe'