
May kaabang-abang na tapatan sa Family Feud ang cast ng bagong handog ng GMA na The Master Cutter.
Sa "Summer Tawa, Summer Saya" episode ngayong Huwebes, April 30, ipakikita ang friendly competition ng cast ng The Master Cutter. Magiging espesyal pa ang episode dahil ang bida ng serye na si Dingdong Dantes ay magpapalit muna ng role mula sa co-star para maging host ng kanilang laro.
Pangungunahan ni Max Collins ang Team Audrey, ang grupong ipinangalan sa kanyang karakter na Audrey. Kasama niya ang rising star ng Sparkle na si Shuvee Etrata; ang charming at promising actress na si Caitlyn Stave; at ang versatile at award-winning actress na si Max Eigenmann.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Mapapanood si Paolo Contis sa Team Red na ang team name ay mula sa kanyang karakter na Red. Kasama niya ang mga aktor na sina Anthony Constantino, Prince Carlos, at ang action-drama regular na si Michael Roy Jornales
Ang The Master Cutter ay mapapanood na sa Netflix simula May 8 at sa GMA Prime naman sa May 11.
Abangan ang fresh episode na ito ng Family Feud ngayong April 30, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.