
Break muna sa matitinding gunfights at action scenes ang cast ng The Master Cutter para bigyan ng suporta ang first-ever Sparkle Run ngayong Sabado, May 30, na idinaos sa Quirino Grandstand sa Manila.
Ang Sparkle Run ay pinangunahan ng GMA Network at Sparkle GMA Artist Center. Katuwang din nila ang race organizer na RUNRIO sa pamumuno naman ng athlete na si Rio de la Cruz.
Makikita sa Instagram post ni Max Collins na game ito na gumising ng maaga para makisaya at tumakbo kasama ang mga kapwa niya artista sa Sparkle at mga participants sa race event.
May kuha rin sila ng young co-star niya sa The Master Cutter na si Sienna Stevens na gumaganap na Ibyang.
Source: maxcollinsofficial (IG)
Ibinahagi rin ni Sienna ang Sparkle Run experience niya kaninang umaga kung saan nakasama niya si The Master Cutter himself, Dingdong Dantes.
Ginagampanan ni Dingdong ang lead role na si Atoy na isang tailor na siketrong nagtatrabaho bilang manhunter at tracker-for-hire.
May kuha rin si Sienna kasama ang former Pinoy Big Brother housemate na si Charlie Fleming.
Source: _siennastevens (IG)
Mapapa-'Anak ng sinulid!' ang lahat sa maaksyong tagpo sa The Master Cutter sa GMA Prime, pagkatapos ng 24 Oras. Mapapanood naman ang delayed telecast ng show sa GTV sa oras na 9:45 p.m.
RELATED CONTENT: A-list celebs, Sparkle talents bring energy to Sparkle Run 2026