GMA Logo Cat Arambulo
Source: catarambulo (Instagram)
Celebrity Life

Cat Arambulo apologizes for 'insensitivity' during Super Typhoon Carina

By Jimboy Napoles
Published July 28, 2024 12:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Three escapees from Sual police station recaptured
Novena begins for Manaoag centennial coronation

Article Inside Page


Showbiz News

Cat Arambulo


“I deeply apologize for my insensitivity and my actions…” - Cat Arambulo

Nagbigay na ng public apology ang socialite-influencer na si Cat Arambulo dahil sa kaniyang nag-viral na video na nakunan habang nananalanta ang Super Typhoon Carina kamakailan.

Sa naturang video, nagtunog “insensitive” ang usapan nina Cat at ng kaniyang pamilya kung saan nabanggit nila ang pagpo-“floatie” at “wakeboard” sa dinadaanan nilang baha.

Matatandaan na matinding pagbaha ang naranasan ng kalakhang Maynila dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng bagyo at ng habagat. Marami ang nawalan ng tahanan, mga gamit, at mahal sa buhay dahil sa epekto ng pagtaas ng tubig.

Sa isang Instagram post nitong Sabado, July 27, humingi ng dispensa si Cat sa lahat ng nadismaya sa kanilang video.

“I deeply apologize for my insensitivity and my actions, especially during a time of crisis. I hear you and I will use this as a learning opportunity for myself and to teach my kids to be more socially aware and active,” mensahe ni Cat.

Ayon pa sa social media influencer, naka-focus siya ngayon sa pamamahagi ng tulong sa iba't ibang komunidad na naapektuhan ng bagyong Carina.

Aniya, “I am now focusing my efforts on providing relief to different communities. My prayers go out to everyone affected.”

A post shared by Cat Arambulo-Antonio (@catarambulo)

Matatandaan na hindi ito ang unang beses na na-bash si Cat ng netizens. Noong 2020, inulan din ng negatibong komento ang socialite-influencer dahil sa kaniyang harsh comments sa mga commuter na lumalabas ng bahay sa kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine o ECQ na ipinatupad noong Covid-19 surge.

Samantala, narito naman ang celebrities nagbahagi ng tulong at nagsagawa ng relief operations para sa mga nasalanta ng Super Typhoon Carina:

RELATED GALLERY: Celebrities help in rescue and relief operations for victims of Typhoon Carina