GMA Logo Vina Morales, Gladys Reyes
PHOTO COURTESY: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Celeb friends nina Vina Morales at Gladys Reyes, inakalang totoo ang 'Cruz vs. Cruz' promo video

By Dianne Mariano
Published July 18, 2025 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Vina Morales, Gladys Reyes


Matatandaan na naging viral sa social media ang online exchange nina Vina Morales at Gladys Reyes bilang ang kanilang mga karakter sa upcoming GMA Afternoon Prime series na 'Cruz vs. Cruz.'

Mapapanood na ang pinakabagong drama series na Cruz vs. Cruz sa GMA Afternoon Prime simula July 21.

Ang naturang serye ay pagbibidahan nina Vina Morales, Neil Ryan Sese, at Gladys Reyes. Nitong Huwebes (July 17), nakapanayam ni Boy Abunda ang dalawang aktres sa Fast Talk with Boy Abunda at isa sa kanilang pinag-usapan ay ang nag-viral na promotional video para sa serye.

Natuwa si Gladys sa naging reaksyon ng netizens sa kanilang videos at pabiro niyang nilinaw na ang lalaking tinutukoy niya sa video ay hindi ang totoong asawa niyang si Christopher Roxas.

“Well nakakatuwa lang po na ang daming naging interesado, nag-react. May mga naka-relate. Imagine 12 million views, 15 million views sa Facebook.

"Pero gusto ko na ho humingi ng paumanhin sa mga akala po talaga nila… Wala naman akong sinasabi, sa totoo lang kasalanan n'yo rin e, wala naman akong sinasabi si Christopher [Roxas] 'yung tinutukoy ko doon e, assuming kayo. Hindi, pero 'yon nga talagang si Felma, ito siya, Ms. Vina Morales, siya 'yung sinasabi ko talagang Felma doon,” kwento niya.

Inamin naman ni Vina na noong una ay nag-aalangan siyang ituloy ang promo video dahil baka maniwala ang mga tao na ito'y totoo.

Aniya, “Actually noong sinabi nga sa amin parang nagdadalawang-isip kami kasi baka marami talagang maniwala. Tapos, marami nga talaga. My friends from the US, 'yung hindi nakakaintindi, 'Are you okay?' Is everything okay?' kasi hindi nila naintindihan, Tito Boy,”

Kwento pa ni Vina, ang ilan sa kanyang mga kaibigan sa showbiz ay inakalang totoo ang naturang video.

“Tapos biglang I had work the next day, si Martin Nievera, [sabi niya], 'why did you do that? Don't ever do that again. I was about to call you. I was so worried.' Alam mo 'yung gano'n, sila Ruffa [Gutierrez], sila Erik Santos, sila Pops [Fernandez].

Maging si Boy ay inaming akala niya'y totoo ang kanilang viral exchange.

Abangan ang world premiere ng Cruz vs. Cruz sa GMA Afternoon Prime sa July 21.

RELATED GALLERY: The cast of 'Cruz vs. Cruz' stuns in blue at the GMA Afternoon Prime Grand Media Day