GMA Logo vina morales gladys reyes neil ryan sese
PHOTO COURTESY: Denzel Cusi
What's on TV

Vina Morales, Gladys Reyes, Neil Ryan Sese, namangha sa husay ng isa't isa sa 'Cruz vs. Cruz'

By Dianne Mariano
Published June 21, 2025 1:51 PM PHT
Updated July 16, 2025 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Kevin Durant 8th to 31,000 points as Rockets sink Suns
#WilmaPH spotted over coastal waters of Sulat, Eastern Samar
This family weekend workshop features experts to elevate Filipinos' kitchen and dining holiday traditions

Article Inside Page


Showbiz News

vina morales gladys reyes neil ryan sese


Bibida sina Vina Morales, Gladys Reyes, at Neil Ryan Sese sa upcoming GMA Afternoon Prime series na 'Cruz vs. Cruz.'

Kaabang-abang ang mga tagpo sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Cruz vs. Cruz.

Ang naturang serye ay pagbibidahan ng seasoned stars na sina Vina Morales, Gladys Reyes, at Neil Ryan Sese.

Sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, ikinuwento ng lead stars na mayroong silang isang eksena na dapat abangan ng mga manonood.

“Ito 'yung unang pagkikita ni Felma, 'yung character ni Ate Vina, at ni Hazel, ako, at siyempre ni Manuel. Isipin n'yo ano ang mangyayari doon. Kaya ayun pa lang po, dapat talaga abangan nila,” ani Gladys.

Dahil sa husay sa pag-arte nina Vina, Gladys, at Neil, sila rin daw mismo ay hindi mapigilan na mamangha sa galing ng isa't isa.

“Meron pang isang scene na nakalimutan ata ni Manuel [Neil Ryan] na kasama siya sa eksena, nanonood siya sa amin ni Felma [Vina], so inulit,” kwento ni Gladys.

Dagdag ni Neil, “Kasi tinanong ko, 'Kasama ba ako sa shot?' [Ang sabi] 'Hindi mamaya ka pa, next shot.' 'Yun pala kasama na ako, so pinapanood ko sila. Naaliw ako kasi ang galing nila.”

Pinuri rin nina Vina, Gladys, at Neil ang young cast ng Cruz vs. Cruz tulad nina Kristoffer Martin, Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Caprice Cayetano dahil sa kanilang pagiging propesyonal at disiplinado.

“Sila pagdating sa set, alam na nila 'yung gagawin nila. So nakakatuwa dahil mga bata pa sila, gano'n na silang magtrabaho,” ani Neil.

Dagdag ni Gladys, “Bilib ako sa disiplina nila kapag nasa set, 'yung alam mong mga bagets 'to pero pati 'yung respeto nila, marerepesto sila.”

“Kasi first time ko to work with them and napansin ko lang talaga na every time they come to the set, they're well-prepared,” saad ni Vina.

RELATED: The cast of 'Cruz vs. Cruz' stuns in blue at the GMA Afternoon Prime Grand Media Day

Panoorin ang buong 24 Oras sa video na ito: