
Maraming celebrities at netizens ang nagbigay ng kanilang opinyon sa kung anong role ni Marian Rivera ang pinakanami-miss nilang panoorin.
Sa Instagram post ng Kapuso Primetime Queen kahapon, May 15, tinanong niya ang kanyang mahigit sa 8.9 followers sa Instagram alin sa dati niyang roles ang gusto nila.
"Every soap that I did is special and truly memorable for me. How about you? Alin dito ang namimiss niyo at gusto panuorin ulit? Let me know your faves in the comments section!"
Sa mga larawan makikita ang kanyang pagganap sa Marimar, Dyesebel, Darna, Amaya, Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, Temptation of Wife, Endless Love, Carmela, My Beloved, at Super Ma'am.
Napa-comment pa ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ng tatlong heart-eyed emojis sa post ni Marian.
Matatandaan na gumanap si Kathryn bilang young Marian Rivera sa Pinoy adaptation ng hit Koreanovela series na Endless Love, kung saan bumida din ang mister niya na si Dingdong Dantes.
Nagbigay din ng top-pick ang ilang celebrities tulad nina Janine Gutierrez, Meg Imperial, at Ella Cruz.
Last week, nag-trend ang anak nina Marian at Dindong Dantes matapos mag-viral ang cosplay costume ni Zia bilang si Darna at Dyesebel.
LOOK: Marian Rivera's little Darna Zia Dantes!
LOO: Zia Dantes is glowing as Baby Dyesebel!