
Get well soon, BJ!
Ang kilalang celebrity at fashion photographer na si BJ Pascual ay kasalukuyang nasa ospital at may sakit na pneumonia kung kaya't hindi siya nakakasagot sa tawag o text simula pa noong Martes.
Napag-alaman ang impormasyong ito matapos magpost ng batang photographer sa kanyang social media account ng isang larawan kung saan nakasuot siya ng hospital gown sa loob ng isang hospital room.
Kalakip ng larawan ay ang caption na nagpapaliwanag ng kanyang kasalukuyang sitwasyon at paumanhin sa hindi niya pagsagot sa nag-hahanap sa kanya.