
Nagliyab ang dance floor sa All-Out Sundays nitong Linggo, June 1, dahil ipinakilala na ang mga celebrity at digital dance stars na magco-COLLABANAN sa upcoming dance competition na Stars on the Floor.
Nagdala ng swag at charm ang celebrity dance stars na sina Glaiza De Castro, Rodjun Cruz, Faith Da Silva, Thea Astley, at VXON member na si Patrick sa kanilang high-energy dance performance.
Hindi rin nagpahuli magpakitang gilas ang mga digital dance stars na sina Zeus Collins, Dasuri Choi, JM Yrreverre, Kakai Almeda, at Joshua Decena.
Ayon sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras, Linggo, June 1, maliban kina Patrick at Rodjun, bago raw ang pagsasayaw kina Faith, Thea, at Glaiza.
"Oo, dancer ako dito. Aartehin ko na magaling akong sumayaw, so abangan niyo po ang aking pag-arte bilang mahusay na mananayaw," biro ni Glaiza.
Punong-puno rin ng pasasalamat si Faith na makasama ang mga dancers na ito sa iisang stage.
"'Yung stage presence ko is there at saka sinisipagan ko talaga ng matindi kasi it is such a privilege to be sharing the stage kasama ng mga naghuhusayang mga dancers dito sa Pilipinas," sabi ni Faith.
Inamin naman ng mga digital dance stars na bago sa kanila ang pagsasayaw sa harap ng mas malaking audience at venue.
"We just show our skills sa world through the phone. Ngayon kasi, ang daming camera sa harap namin at saka ang laki ng stage, 360. Ganoon po, as in grabe, walang take two. Kaya super grabe yung pressure," paliwanag ni Dasuri.
Hindi rin naitago ng mga digital dance stars ang hirap at pressure dahil sa kanilang pangmalawakang genre na sasayawin sa dance floor.
"'Yung mga genre po na binibigay po sa amin, hindi po kami pamilyar. Kumbaga ako hip-hop, may mga jazz o mga paso doble. Kaya nandoon yung mga choreographer na talagang inaalalayan po kami and syempre challenge po sa amin ito kasi," sabi ni Zeus.
Dagdag nito, "Sobrang nahihirapan po kaming lahat as in. Hindi talaga siya madali."
Matutunghayan sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Star Comedienne of the Dance Floor Pokwang, at Dance Trend Master Coach Jay bilang dance authority panel ng show.
Pinagbibidahan naman ni Asia's Multimedia Star at Box Office King Alden Richards ang ultimate COLLABANAN sa Sayawan bilang host.
Abangan ang Stars on the Floor ngayong June 28 sa GMA.
Kilalanin dito ang mga celebrity at digital dance stars ng Stars on the Floor: