GMA Logo celebrity bluff pride celebration
What's on TV

'Celebrity Bluff,' may pahabol na #Pride celebration ngayong Sabado!

By Cherry Sun
Published July 9, 2020 5:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing with DFA (May 25, 2026) | GMA News
Eastern Visayas’ Tajarros bags 1st gold in 2026 Palarong Pambansa
Farm to Table: (May 24, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

celebrity bluff pride celebration


Puno ng #pride at colors ang 'Celebrity Bluff' ngayong Sabado kasama sina Francine Garcia, Trixie Maristela, Digeo, Shalala, Gardo Versoza, at Mon Confiado!

Tapos na ang Pride month pero may pahabol na celebration ang Celebrity Bluff ngayong Sabado, July 11!

Hindi lang makikipagtagisan sa kaalaman, ngunit rarampa rin ang teams nina Francine Garcia at Trixie Maristela, Digeo at Shalala, at Gardo Versoza at Mon Confiado.

Ang transgender beauty queens, gay comedians, at character actors ang makakasama nina Eugene, Jose, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.

Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff" kasama ang inyong mga paboritong artista?

Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Daddy's Gurl.