
Celebrity foreignoys ang maglalaro sa Celebrity Bluff ngayong Sabado, August 29.
Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show.
Ang riot na hatid ng Bubble Gang stars noong nakaraang Sabado, masusundan ng halakhakan to the max dahil sa foreignoys na bibisita at maglalaro.
Magkakampi sina Dasuri Choi at Richard Juan, magkagrupo sina Vanessa Matsunaga at Fabio Ide, at teammates naman ang kambal na sina David at Anthony Semerad.
Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?
Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Daddy's Gurl.