What's on TV

Celebrity foreignoys, makiki-'Fact or Bluff' sa 'Celebrity Bluff' ngayong Sabado

By Cherry Sun
Published August 27, 2020 3:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Public school teacher, natagpuang patay at may mga saksak sa bakanteng lote sa Eastern Samar
NIR cop in hot water for alleged extortion
Independence Day celebrations and deals

Article Inside Page


Showbiz News

Fabio Ide Dasuri Choi Anthony Semerad


Halakhakan to the max na naman ngayong Sabado, August 29, dahil foreignoys ang makakasama ni Eugene Domingo at ng celebrity bluffers!

Celebrity foreignoys ang maglalaro sa Celebrity Bluff ngayong Sabado, August 29.

Bubble Gang stars on Celebrity Bluff

Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show.

Ang riot na hatid ng Bubble Gang stars noong nakaraang Sabado, masusundan ng halakhakan to the max dahil sa foreignoys na bibisita at maglalaro.

Magkakampi sina Dasuri Choi at Richard Juan, magkagrupo sina Vanessa Matsunaga at Fabio Ide, at teammates naman ang kambal na sina David at Anthony Semerad.

Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?

Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Daddy's Gurl.