
Masasaksihan ang clash ng celebrity newlyweds at newsroom veterans sa Family Feud ngayong Biyernes, September 5.
Bago mag-weekend, abangan ang celebrity players na magpapakita ng husay sa pagsagot ng top answers.
Mula sa Team Pag-ibig na Totoo maglalaro ang celebrity newlyweds na sina EA Guzman at Shaira Diaz. Makakasama nila sa fun and exciting showdown ang Unang Hirit lively segment hosts na sina Kaloy Tingcungco at Jenzel Angeles, na ipakikita ang kanilang charm and wits para makapag-uwi ng premyo.
Mula naman sa podium ng Team Serbisyong Totoo maglalaro ang powerhouse group of journalists. Tatayong leader ng team ang veteran reporter and iJuander host na si Susan Enriquez. Makakasama niya sa pagsagot sa Family Feud ang beauty queen-turned-lifestyle reporter na si Athena Imperial; multi-hyphenate news reporter, DJ, and leatherwork designer na si Dano Tingcungco; at ang seasoned news reporter na si Jonathan Andal.
Sino ang magwawagi ngayong Biyernes? Panoorin ang Team Pag-ibig na Totoo at Team Serbisyong Totoo sa Family Feud, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: