GMA Logo Celeste Legaspi
What's on TV

Celeste Legaspi, inalala ang kuwento ng kaniyang hit singles

By Kristian Eric Javier
Published December 4, 2024 8:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TUCP solon: SC order on P60-B PhilHealth funds a 'wake up call' for universal healthcare
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Celeste Legaspi


Alamin ang kuwento sa likod ng ilang sikat na awitin ni Celeste Legaspi.

Kinilala ang singer at aktres na si Celeste Legaspi bilang isa sa mga OPM icons noong 1970s hanggang 1980s, hindi lang dahil sa maganda niyang tinig kundi maging sa mga sikat niyang mga awitin katulad ng “Saranggola ni Pepe,” “Mamang Sorbetero,” at “Gaano Ko Ikaw Kamahal.”

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, December 4, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang kuwento sa likod ng mga awiting ito. Ayon kay Celeste, ang hit single niyang “Saranggola ni Pepe” ay sinulat ng kaniyang asawang si Nonoy Gallardo at hinango sa naranasan nila noong Martial Law.

“My husband wrote lyrics talking about how he felt about the times. [Boy: 'Yung Saranggola was about Martial Law?] and the times that we were living in. Meron din siyang environmental concerns doon sa song na 'yun, but he put everything in a child-like situation,” pag-alala ni Celeste.

Dagdag pa niya ay hindi naman iyon ang kantang itinutulak nilang magugustuhan ng mga tao. Ngunit dahil naintriga ang mga DJ (disc jockey) noon sa titulo ay iyon ang laging pinapatugtog hanggang sa naging hit ito.

Ang awitin naman niyang “Mamang Sorbetero” ay sinulat ni Jose Mari Chan nang lumipat si Celeste ng recording company, at hiniling nila ang isang awit na katulad ng “Saranggola ni Pepe.”

Kuwento pa ni Celeste sa naturang awitin, “You know, 'Mamang Sorbetero,' there's a budots version. It's used in all zumba class ata in the entire Metro Manila.”

Aminado naman ang singer-actress na “surprise hit” para sa kaniya ang kanta niyang “Gaano Ko Ikaw Kamahal” na isinulat nina Ernani Cuenco at Levi Celerio. Ito ay dahil nasa iisang album lang sila ng una niyang awitin.

“'Saranggola ni Pepe' was already a hit so I said to myself, 'Siguro 'yun na, 'yun na ang hit ng album na 'yun.' Siguro a year later, I would be performing for parties or whatever, and I would be requested to do 'Gaano Ko Ikaw Kamahal' and I'd ask the audience, 'How do you know that song?' 'It's been played, it's been played.' 'Yun pala, naging hit na, I didn't even know,” pag-alala ni Celeste.

Dagdag pa niya, “The beauty of the song, the beauty of the lyrics, siya talaga ang nagdala why it became a hit.”

RELATED GALLERY: Pinoy singers na nakilala sa Kapuso singing competitions