
Tinawag na most professional actress ni Celia Rodriguez ang kanyang Stolen Life co-star na si Carla Abellana.
Ibinahagi ito ng kilalang aktres sa ginanap na media conference ng Stolen Life nitong November 9 sa Seda Hotel Vertis North.
Kuwento ng seasoned actress na si Celia, "Carla Abellana, the most professional. The most beautiful, and always a lovely lady."
Paliwanag pa niya, walang maririnig na masama mula kay Carla. "She's always a lady, lady in a sense na wala kang maririnig na masama sa kapwa. Wala."
RELATED GALLERY: Meet the cast of 'Stolen Life'
Bukod sa pagiging professional at mabuti ni Carla sa kanyang mga kasamahan sa industriya, ibinahagi rin ni Celia ang husay ni Carla sa lalim ng kakayahan nito sa pag-arte.
Ani Celia, "She's a great actress. Ang lalim ng hugot niyan. Napakalalim, watch out."
Mapapanood si Celia bilang Azon at si Carla bilang Lucy sa Stolen Life.
Abangan ang world premiere ng Stolen Life sa November 13, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.