
Mapapanood na ang kakaibang karakter na gagampanan ni Carla Abellana sa Stolen Life.
Si Carla ay gaganap bilang si Lucy sa bagong handog ng GMA Afternoon Prime na Stolen Life.
Ang karakter ni Carla na Lucy ay isang ulilang pinagkaitan ng pamilya. Siya ay makakatagpo ng pagmamahal na hinahanap niya sa kaniyang asawa na si Darius (Gabby Concepcion) at anak na si Cheska (Juharra Zhianne Asayo).
Iikot ang kuwento ng Stolen Life sa astral projection. Base sa headwriter ng Stolen Life na si Glaiza Ramirez, ang astral projection ay "isang supernatural phenomenon kung saan humihiwalay ang kaluluwa ng isang tao sa kanyang pisikal na katawan at nakakapaglakbay ito."
Dahil sa astral projection, si Lucy ay magiging si Farrah na karakter na ginagampanan naman ni Beauty Gonzalez.
Abangan ang kakaiba at kapanapanabik na pagganap ni Carla sa Stolen Life. Mapapanood na ang world premiere ng Stolen Life sa November 13, 3:20 p.m. sa GMA Network.