
Isa sa mga handog ng Centerstage sa mga lumalahok na Bida Kids ay ang pagbibigay ng mga minimithi nilang mga bagay bilang regalo ng mga host na sina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Kapuso comedian Betong Sumaya at judges Concert Queen Pops Fernandez, Kapuso vocal powerhouse Aicelle Santos at renowned musical director Mel Villena.
Ngayong naka-quarantine ang lahat ng mga sumali sa show kabilang sina Hargie Ganza, Dave Valenzuela, Wincess Yana, Sofi Pangilinan, at Oday Barahil, ay nagamit nila nang husto ang mga tinanggap nilang regalo.
Bilang sila ay mahilig sa sports, music, arts at crafts, kabilang sa mga tinanggap nilang Bida Gifts ay volleyball, stuffed toys, ukulele, stationery supplies, at ride all you can tickets sa isang amusement park.
Kumusta na kaya sila?
Silipin ang quarantine life ng Bida Kids sa video na ito:
'Centerstage' launches online auditions
Rain Barquin shares preparation for Centerstage's Grand Finals