GMA Logo alden richards
What's on TV

'Centerstage' finale trends on Twitter as Alden Richards announces Season 2

By Jansen Ramos
Published June 7, 2021 1:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Daughters of King Charles’ brother Andrew join royals for Christmas service
Cop in CDO nabbed for indiscriminate firing on Christmas Day
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

alden richards


See you next season, 'Centerstage' nation!

Pinag-usapan ang ikalawang parte ng grand finale ng Centerstage kagabi, June 6, kung saan inanunsyong ultimate winner ang 12-year-old Bicolana na si Vianna Ricafranca.

Isa sa mga trending topics sa Twitter Philippines ang #CenterstageUltimateWinner na nakakuha ng mahigit 9,000 tweets kagabi.

Dito, bumuhos ang pagbati kay Vianna bilang kauna-unahang champion ng Centerstage.

Lalong nag-ingay ang Twitterverse nang inanunsyo ng Centerstage main host na si Alden Richards na magkakaroon ng Season 2 ang all-original singing competition for kids.

Wala pang detalyeng ibinigay ang Asia's Multimedia Star tungkol sa ikalawang season ng Centerstage pero ngayon pa lang ay mararamdaman na ang excitement ng fans ng programa.

Talagang inaabangan ang muling pagho-host ni Alden ng weekly GMA singing competition base sa tweets na may mga salitang "ALDEN CSIkawAngBida," na isa ring trending topic sa sikat na micro-blogging site.

Ayon sa isang netizen, nasa Centerstage ang "the best bida kids, the best judges, the best Centerstage side host, at "the best Centerstage host" kaya naman, aniya, deserve ng programa magkaroon ng Season 2.

Narito ang iba pang reaksyon ng netizens tungkol sa pagkakaroon ng second installment ng Centerstage.

Katuwang ni Alden sa pagho-host ng Centerstage ang komedyanteng si Betong Sumaya.

Ang mga huradong sumuri at kumilatis sa talento ng Bida Kids ay sina Concert Queen Pops Fernandez, Kapuso vocal powerhouse Aicelle Santos, at musical director Mel Villena.

Ang Centerstage ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.