What's on TV

'Centerstage' ultimate winner Vianna Ricafranca, gusto ring pasukin ang pag-arte

By Jansen Ramos
Published June 10, 2021 11:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

vianna ricafranca


Sa ulat ng '24 Oras,' sinabi ng 'Centerstage' ultimate winner na si Vianna Ricafranca na gusto niyang makatrabaho sina Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix.

Halos hindi makahinga sa sobrang kaba si Centerstage ultimate winner Vianna Ricafranca nang hintaying sabihin ni Centerstage main host Alden Richards kung sino ang nanalo sa GMA kiddie singing competition noong Linggo, June 6.

Ani Vianna sa panayam ni Lhar Santiago sa Chika Minute segment ng 24 Oras, "Sobrang umiyak po ako sa sobrang tuwa kasi I know my hard work paid off na po kasi matagal ko na po gusto maging singer at nag-practice din po ako napakatagal."

Sabi ni Vianna, wala sa lahi nila ang pagiging singer pero nasa loob pa lang daw siya ng sinapupunan ng kanyang ina ay pinapatugtugan na siya ng mga awitin ng kanyang mga magulang.

Sambit niya, "Nagpapagtugtog po sila ng maraming Broadway songs and mga songs from local singers. No'ng pinanganak na po ako, nagpapatugtog pa rin po sila ng maraming songs hanggang sa lumaki po ako, na-adapt ko po 'yung mga kanta."

Nag-iisang anak si Vianna at sa kanyang murang edad, gusto na niyang makatulong sa kanyang mga magulang kaya ang napanalunan niyang house and lot daw ang magiging bahay nilang buong pamilya.

Bahagi pa ng 12-year-old Bicolana, "Nakikitira po kami sa mga tito and tita ko po kasi sila po 'yung tumulong sa 'kin and inalagaan ng mom ko dati 'yung lola ko po. So kung nasaan po si lola, ando'n din kami."

Ngayong nagbukas na ang pintuan ng showbiz kay Vianna, hindi lang daw pag-awit ang gusto niyang gawin, kung 'di ang pag-arte rin.

"Super gusto ko po talagang maging actress po. Tin-ry ko po dati mag-workshop sa acting and then nagte-theater po ako."

Sa katunayan, meron na siyang mga aktor na gustong makatrabaho--sina Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix--dahil, ani Vianna, magaling at idolo niya ang Kapuso stars.

Panoorin ang buong panayam sa video sa itaas.

Samantala, kilalanin pa ang kauna-unahang Centerstage winner sa gallery na ito: