GMA Logo Cesar Montano and Diego Loyzaga
Courtesy: diegoloyzaga (IG) and cesarbuboymontano (IG)
What's Hot

Cesar Montano, humanga sa acting skills ng anak na si Diego Loyzaga

By EJ Chua
Published August 4, 2022 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH aims to boost cruise tourism growth
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Cesar Montano and Diego Loyzaga


Diego Loyzaga, napabilib ang ama na si Cesar Montano sa kaniyang role sa pelikulang 'Maid in Malacañang.'

Kahit unang beses pa lang na nagkatrabaho sa isang proyekto, labis na humanga ang aktor na si Cesar Montano sa kaniyang anak na si Diego Loyzaga.

Sa bagong pelikula ng direktor na si Darryl Yap na pinamagatang Maid in Malacañang, ginampanan ni Cesar ang karakter ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Samantala, si Diego naman ang gumanap bilang Bongbong Marcos sa nasabing palabas.

Kasunod ng unang proyekto na kanilang pinagsamahan, napabilib agad ang aktor sa ipinamalas na husay sa pag-arte ng kaniyang anak sa aktres na si Teresa Loyzaga.

Sa isang interview, ipinagmalaki ni Cesar na napahanga siya ni Diego.

Pahayag ng award-winning actor, “Diego was a revelation!... Magaling 'to. Magaling ding umiyak. Magaling. Sabi ko, 'Aba!”

Dagdag pa niya, “Isa sa favorite scenes ko sa pelikula yung sa amin ni Diego…”

Una nang sinabi ni Cesar sa isang panayam na excited siya sa pagbabalik niya sa mundo ng pelikula kasabay ng pakikipagtrabaho sa kaniyang anak na si Diego Loyzaga.

SAMANTALA, KILALANIN ANG ISA SA MGA ANAK NI CESAR MONTANO NA SI ANGELINA ISABELE SA GALLERY NA ITO: