GMA Logo Cesar Montano in Muro ami
Source: GMA Network
What's Hot

Cesar Montano, sa kanyang pagganap sa 'Muro-ami': 'Sobrang hirap'

By Aimee Anoc
Published May 22, 2026 12:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Number of Filipinos studying in US rises 50% in a decade
FPJ Sa G! Flicks: Ang Leon at Ang Kuting | Teaser
Lily On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Cesar Montano in Muro ami


Cesar Montano: 'Muro-ami' ang "pinakamahirap kong pelikula na ginawa sa career ko."

Matindi raw ang mga pinagdaanan ni Cesar Montano para magampanan ang kanyang karakter sa 1999 award-winning film na Muro-ami.

Sa naganap na special screening ng pelikula para sa muling pagbubukas ng remastered version nito sa mga sinehan simula June 3, ipinarating ng aktor ang sayang nararamdaman na maibahagi sa henerasyon ngayon ang pelikula.

"That's why I'm so happy na mai-share natin 'to sa generation na ito na hindi na nakita. Ito po 'yung pinakamahirap kong pelikula na ginawa sa career ko. Sobrang hirap," sabi ni Cesar sa interview kay Athena Imperial ng GMA News.

Binalikan din ng aktor ang hirap na pinagdaanan para magampanan ang kanyang role bilang Fredo, isang mangingisda at kapitan ng barko na nagsasakay ng muro-ami divers, na ginagamit sa ilegal na paraan ng pangingisda.

"Physically, kasi wala akong stunt [double] dito. Ako lang mismo gumawa ng lahat ng stunt dito. I had to practice how the muro-ami swim. Kung papaano sila mag-freedive, paano sila gumamit ng fins. Ang fins nila plywood na isang paa lang 'yon. Prinaktis ko 'yon, kung papaano yung breath only, kung papaano tumagal sa ilalim. So, sa tagal ng aming practice [nina] Pen Medina and Jhong Hilario, nakuha namin.

"Limang buwan, ang tagal. Ang hirap po nito... limang buwan kayo sa dagat. Ibang klase 'yung pelikula kasi iba 'yung pelikulang gumagawa ka na nasa lupa ka lang... Ito, papaalisin kayo sa barko. Pupunta kayo sa dagat, doon kayo pupunta sa tubig habang nagse-set up. So, ibang klaseng buhay, ibang klaseng trabaho. Iba 'yung challenge.

Ayon kay Cesar, blessed siya na naging bahagi ng pelikula dahil ipinakita nito ang totoong nangyayari sa mga kabataan na ginagamit sa ilegal na panghuhuli ng isda.

"Ako, I feel so blessed kasi I'm part of this movie dahil na-unfold natin, na-disclose natin yung child labor, yung pagsasamantala sa mga kabataan dito sa South sa panghuhuli ng isda. Kasi, ito po nilalayo sila sa kanilang pamilya at pinagtatrabaho sila. Bakit mga bata? Kasi mura, madaling manduhan.

"But these children, 'yung iba sa kanila hindi na naibabalik sa kanilang pamilya kapag sila ay nasasawi... Kaya ang pakiusap ng mga nanay after bigyan sila ng magkano lang—mawawala nang mahigit isang buwan yung anak nila, sabi lang nila, 'Kung ano man ang mangyari sa anak namin, sana ibalik n'yo lang.'

"'Yan ang irony do'n. 'Yan ang masakit na alam mo 'yung pakiusap na 'yon, nakakalungkot pakinggan. But that's very true. So, I'm so glad nagawa namin 'yung pelikulang ito. Nabuksan ang maraming mata ng mga leaders at ito po ay pinatigil. Ang authority po ay kumilos para ipatigil ito."

Ibinahagi rin ni Cesar ang ilan sa hindi niya malilimutan habang ginagawa ang Muro-ami.

"Maraming bagay kasi kasama ko 'yung mga bata. I remember si Rebecca Lusterio, babae s'ya pero she played a boy. Nag-pretend s'yang batang lalaki para makasama sa barko kasi bawal ang batang babae sa barko, 'yun ang rule. Tapos 'yung mga bata pang iba, na alam mo after more than two decades, may mga anak na rin silang ganu'n kasing laki nila nung kasama namin, nakakatuwa.

"Ito kasi papunta ng Pasko. 'Yung nandidito pa rin kami, nagsu-shooting pa rin kami pero Pasko na. Hindi ako tumagal nang ganu'n sa dagat sa buhay ko. I'm a diver pero hindi ako tumagal nang ganu'n."

Samantala, panoorin ang trailer para sa remastered version ng Muro-ami rito: