
Maangas ang naging episode ng Stars on the Floor 2026 noong May 24 matapos ang matinding bakbakan at sagupaan ng performances ng dalawang magkatunggaling dance trio.
Sa naturang episode, nagbalik ang ilan sa mga paboritong dance stars ng Stars on the Floor 2025 para makasama ng mga bagong dance star duos sa kanilang mga pasabog na performances sa gabing iyon.
Nagsama-sama sa isang nagniningning na trio sina Chanty Videla, Alamat Jao, at ang dance star noong unang season na si JM Yrreverre. Pinangalanan ang kanilang grupo bilang “The ANGELS,” na naghatid ng isang sultry at napakainit na femme dance performance.
Sa kabilang banda, nag-team up naman sina Sugar Mercado, HORI7ON Jeromy, at ang SOTF first season dance star na si VXON Patrick. Tinawag ang kanilang grupo bilang “The TRIBAL,” na nagpasiklab naman ng isang matinding open choreography performance sa dance floor.
Matapos pahangain ang buong Dance Universe, nagkaroon ng mainit na tapatan ang dalawang grupo para paglabanan ang titulong Top Dance Star Trio. Sa dulo ng episode, hinirang ang “The ANGELS” bilang nagwagi sa naturang tapatan.
Ang tagumpay na ito ay isang back-to-back na panalo para kina Chanty at Jao. Noong nakaraang linggo lang ay kinilala sila bilang 13th Top Dance Star Duo matapos maghatid ng galing at kilabot sa kanilang cowgirl-inspired dancehall performance, kung saan naka-“double win” pa nila ang duo nina Jasmine Curtis-Smith at 1st.One Joker.
Tutukan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa 'Stars on the Floor 2026':