
Bago pa man ang kulitan at kuwentuhan ngayong Saturday night, isang munting sorpresa muna ang hatid ng bagong game show na The People Have Spoken.
Sa social media, masayang ipinasilip ng programa ang isa sa mga highlight ng laro nina Team ChanSu (Chanty Videla at Sugar Mercado) at Team Kebab (Kevin Montillano at Euleen "Yobab" Castro).
Sa kanilang shoot, ibinahagi ni Heart Evangelista ang isang nakakatuwang trivia tungkol sa nakaka-LSS na theme song ng The People Have Spoken.
"Alam n'yo ba? Ang kumanta ng official theme song ng The People Have Spoken ay walang iba kundi si Chanty!" masayang reveal ni Heart.
Game na pinerform ni Chanty ang energetic theme song on stage. Mas lumakas pa ang hiyawan ng mga manonood nang samahan siya ni Sean Lucas.
Abangan ang soon release ng The People Have Spoken full theme song sa mga digital streaming platforms!
Subaybayan din ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Samantala, tumutok sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!
Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito:
Balikan ang nakakatuwang pilot episode ng The People Have Spoken sa gallery na ito: