GMA Logo Chanty Videla, HORI7ON Jeromy
Photo source: Stars on the Floor
What's on TV

Chanty Videla at HORI7ON Jeromy, nag-ala Beyonce sa dance floor bilang 8th top dance star duo

By Karen Juliane Crucillo
Published April 14, 2026 3:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTFRB caps booking fees of app-based taxis at P60 max
Alethea Ambrosio looks back on her life on 24th birthday
DepEd probes mauling inside classroom in Bacolod school

Article Inside Page


Showbiz News

Chanty Videla, HORI7ON Jeromy


Kinilala sina Chanty Videla at HORI7ON Jeromy bilang 8th top dance star duo sa 'Stars on the Floor' 2026. Congratulations!

Noong April 12 episode, todo bigay ang celebrity at P-pop dance stars sa huling episode bago ang pagbuo ng permanent dance star duos sa Stars on the Floor 2026.

Sa naturang episode, kinilala sina Chanty Videla at HORI7ON Jeromy bilang 8th top dance star duo matapos nilang mag-ala Beyonce sa dance floor.

Napahanga ang Dance Universe pati na rin ang dance authority sa femme performance nina Chanty at Jeromy na puno ng sexy moves at stunts.

Nakalaban nila sa dance showdown sina Paul Salas at Calista Denise, na nagpakitang-gilas ng kanilang moonwalk.

Noong nakaraang linggo, sina Chanty at Joker ang nagwagi bilang 7th top dance star duo matapos ang kanilang mahusay na dancehall performance.

Tutukan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:00 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.

Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor 2026: