GMA Logo chanty videla
Source: itsmaria.chantal (IG)
What's on TV

Chanty Videla, nami-miss ang buhay sa Korea

By Kristian Eric Javier
Published September 1, 2026 12:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

H.E.R. goes on a jeepney joy ride
Miss World PH Asia Rose Simpson is an Asia & Oceania finalist for the Beauty With a Purpose challenge
Subangdaku Flyover sa Mandaue City, Gisirad-an | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

chanty videla


Inilahad ni Chanty Videla ang nami-miss niya sa South Korea.

Mahigit dalawang taon matapos magpahinga ang Lapillus member na si Chanty Videla mula sa grupo, inamin niyang nami-miss na niya ang naging buhay sa South Korea.

“I miss the lifestyle that I had there, and the members, of course, at saka 'yung mga parang schedule namin as a K-Pop group and everything,” sabi ni Chanty sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, August 31, kasama ang kaniyang Kamao co-star na si Anton Vinzon.

Pero ayon sa aktres, “I'm learning now po to be appreciative and grateful [for] what I currently have kasi isa rin naman 'to sa pinag-pray ko, na to be able to work and earn for my family. So 'yun, happy naman po ako with everything that I have, with how everything is going.”

MAS KILALANIN PA SI CHANTY SA GALLERY NA ITO:

Matatandaan na noong April 2024 nang inianunsyo ng MLD Entertainment, ang South Korean entertainment agency at record label na may hawak sa Lapillus at HORI7ON, ang tungkol sa chronic fatigue syndrome ni Chanty kaya magpapahinga muna sa group activities.

“Chanty has been diagnosed with Chronic Fatigue Syndrome and has seen improvement in her health through continuous treatment and consistent care from her attending doctor. However, there is concern that engaging in high-intensity group musical activities may cause the relapse of her symptoms and strain in her health,” sulat ng MLD Entertainment sa isang pahayag.

Paglilinaw nila, mananatili pa ring miyembro ng grupo si Chanty at patuloy nilang susuportahan ang pagpapagaling nito. Noong November ng parehong taon, nakabalik si Chanty sa grupo nang mag-perform ang Lapillus sa Japan.

May ilang haka-haka rin na kumalat online na disbanded na ang kanilang grupo, lalo na noong umalis ang leader nilang si Shana noong 2025. Sa panayam sa parehong GMA Afternoon Prime talk show, pinabulaanan ni Chanty ang balitang iyon.

“Well, ang hirap pong sagutin kasi hanggang ngayon po talaga, hindi po kami binibigyan ng update ng company. So hanggang ngayon, we're just literally stagnant and doing our own stuff lang, floating,” sabi ni Chanty.

Ang hiling na lang umano ng aktres-singer, “Kung ano man po ang maging conclusion ng company at some point, we're just hoping na it's the best for everyone.”

Panoorin ang panayam kay Chanty dito: