GMA Logo Chariz Solomon and Analyn Barro birthday celebration in Bubble Gang
What's on TV

Chariz Solomon at Analyn Barro, may advance celebration ng kanilang birthday sa taping ng 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar
Published August 15, 2023 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chris Pratt takes audiences along on immersive AI journey in 'Mercy'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Chariz Solomon and Analyn Barro birthday celebration in Bubble Gang


Maligayang Kaarawan, mga Kababol!

Double celebration ang nangyari sa taping ng award-winning gag show na Bubble Gang para sa dalawa nilang cast members na magdiriwang ng birthday ngayong Agosto.

One year older na si Analyn Barro ngayong Martes (August 15), samantalang kaarawan naman ng StarStruck alumna na si Chariz Solomon sa darating na August 22.

RELATED CONTENT: 'Bubble Gang' cast members flex their smile during photoshoot

Kaya naman sa naging taping ng Kapuso gag show kahapon, August 14, may simpleng salu-salo ang mga Kababol. Sa Instagram Story pa ni Analyn, nanlibre pa ang kanilang co-star na si Sparkle actor Paolo Contis.

Kinilig din si Analyn nang sorpresahin siya ni Chariz ng isang brand new pair of stilettos para sa kaniyang special day. Sabi niya sa Instagram Story, “Happy na, birthday pa! Thanks sa gift Ahe Cha.”

Parehong graduate ng groundbreaking artista-based reality search ang dalawang Kapuso comedienne. Taong 2006 nag-compete si Chariz at sa sixth season naman ng StarStruck (2015) sumali si Analyn.