
Kamakailan lang, dumalo si Chariz Solomon sa isang event na handog para sa mga nanay.
Sa “Chika Minute” report na ipinalabas sa 24 Oras nitong August 7, ipinasilip ang ilang clips ni Chariz habang siya ay nasa naturang event.
Dito ay nagbahagi ang Kapuso comedian at Bubble Gang star ng kanyang real-life experiences bilang isang ina.
Nagbigay rin siya ng payo para sa kanyang fellow moms kung paano i-handle ang stress bilang isang magulang.
Ayon sa Kapuso mom, hindi talaga madali ang papel ng isang ina, pero masarap at fulfilling.
Samantala, si Chariz ay itinuturing ng marami na isang supermom.
Siya ay kilalang cool at hands-on mom sa kanyang tatlong anak na lalaki na sina Apollo James, Ali Joakim, at Andreas Manolo.
Sa kanyang social media accounts, kapansin-pansin na labis na na-e-enjoy ni Chariz ang kanyang buhay hindi lang bilang artista kundi pati ang pagiging ina.
RELATED GALLERY: Chariz Solomon's mommy moments with her sons