
Naglabas ng kaniyang sama ng loob si Your Honor host Chariz Solomon tungkol sa pagiging ina niya at kung papaano siya pakitunguhan ng kaniyang mga anak.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, August 18, naglaro si Chariz ng “Check o Chariz” kung saan magbibigay ng pahayag si King of Talk Boy Abunda at sasabihin ng actress comedienne kung check o totoo ang pahayag, o chariz na nangangahulugang mali ito.
Isa sa mga tanong kay Chariz ay kung talakera ba siyang asawa at ina, kung saan sinagot niya ito ng “Cheriz,” check at chariz.
Paliwanag ng aktres, sa asawa niya ay hindi na siya masyadong talakera. Ngunit pagdating sa kaniyang mga anak, “As much as possible, talagang dinideretso ko sila, Tito Boy. Hindi naman sa hindi mo [ako] pagasasalitaan ng bad words, pero dinideretso ko talaga.”
“Halimbawa, out of the country sila kasama 'yung daddy nila ta's nawawala sila [nang] three weeks, one month, I let them. Kasi chance nila 'yun, e. Libre, e. Libre kayo ng tatay n'yo, kaya ng tatay n'yo 'yan, go. Kahit hindi ako kasama, go,” sabi ni Chariz
Ngunit may isang pagkakataon daw noong minsang umalis ng bansa ang kaniyang mga anak kasama ang kanilang ama na si Nestor Ng. Pagbalik nila ng Pilipinas, sinabihan umano niya na 'wag muna silang umuwi sa kaniya dahil sa sama ng loob.
Ani Chariz, nasaktan siya nang hindi manlang nag-message ang kaniyang mga anak para sabihin kung okay lang ba sila. Naiintindihan naman daw ng aktres na maaaring busy at hindi laging may internet, ngunit labis pa rin siyang nasaktan.
“'Yung isa kong anak, mas ano siya sa akin, mas sensitive siya sa feelings ko. Not that hindi sensitive 'yung isa. Nag-sorry talaga siya, na-appreciate ko naman, pati naman 'yung daddy nila, nag-sorry din. Na-appreciate ko naman,” sabi ni Chariz.
TINGNAN ANG ILAN SA MGA MASASAYANG MOMMY MOMENTS NI CHARIZ SA GALLERY NA ITO:
Sa kabila nito, proud pa rin naman si Chariz sa kaniyang sarili, ngunit hindi niya maiwasan magdamdam.
“Minsan kasi, 'pag nanay ka, ikaw 'yung gumagawa ng toughest jobs and decisions, pero parang feeling mo madalas ikaw 'yung pinaka hindi importante. I feel that a lot. Kaya minsan kapag nasa work ako, masaya talaga ako. Hindi, minsan masaya talaga ako kapag nasa work ako. Kasi ibang fulfillment talaga 'yung nabibigay sa 'kin ng mga kasama ko sa work,” sabi ng aktres.
Pagpapatuloy pa ni Chariz, “Hindi naman sa hindi ko sinasabi 'yun sa bahay pero minsan talaga, siguro sa sobrang busy ng buhay, feeling mo talaga— Nag-breakdown ako nang isang beses, sabi ko, 'Pagod na pagod ako kasi lahat kayo, inaalagaan ko, pati mga helpers iniintindi ko, sino ba mag-iintindi sa 'kin? Sino ang mag-aalaga sa 'kin?' Sabi ko, 'Pagod na pagod ako, ayokong umuwi.' At saka masakit 'yung adjustment ng braces ko.”
Panoorin ang buong panayam kay Chariz dito: