
Napaluha si Chariz Solomon a.k.a Madam Cha sa session ng Your Honor kung saan guest niya ang kaibigan na si Lovely Abella at mister nito na si Benj Manalo.
Sumalang ang celebrity couple sa session na tinawag na "In Aid of Money Problems: Nakakasira o Nakakatibay ng Relasyon?" noong Sabado ng gabi (November 29), at dito, bukas na pinag-usapan ni Madam Cha ang kuwento tungkol sa pagtulong sa kanya ng mag-asawa.
Ayon sa Sparkle comedienne, humingi siya ng sign sa Diyos tungkol sa pagkuha niya ng isang property.
Kuwento niya sa Your Honor, “Nanghihingi lang ako ng [advice] like ano ba 'yung kailangan ko maintindihan na sign. Kasi nga, na-approve 'yung loan hindi pa ako ready. Sabi ko ang bilis!”
“Bakit na-approved agad yun 'yung akin. Puwede naman dalawang buwan maghihintay ka. Ito wala pang isang buwan. So, ano ba ito?
“Sabi ko, kulang pa ako. So, sinabi ko sa kanila 'tapos wala the next day si Benj pa 'yung nagdala nung cheque.”
Sabat naman ni Lovely, “Kasi Ga, naniniwala ako na kami o tayo is instrument tayo ni Lord. Kaniya 'yun, pera Niya 'yun na dinadaan lang niya sa amin through you.”
Pagpapatuloy ng former Bubble Gang comedienne, “For sure Ga that moment you seek God first, before us. And nagtanong ka kay Lord, bago ka nagtanong sa mas marami mong friends na, Lord, ano ba 'yung dapat gawin. Bakit mo ina-align sa maayos at sa tama na direksyon. So, kami we are only the instrument of God.”
“It helps talaga to have really great friends na sa lahat yata ng friends ko sila ang pinakamalapit talaga sa Diyos.” Sumunod na sabi ni Chariz.
Matatandaan na ikinasal sina Lovely at Benj taong 2021.
RELATED CONTENT: Benj Manalo is one sweet husband to Lovely Abella