
Isa sa special guests sa upcoming summer special ng Bubble Gang sa darating na May 5 at May 12 ang Pepito Manaloto comedian na si John Feir!
At na-enjoy naman nang husto ng Sparkle comedian ang crossover na ginawa niya lalo na at naka-bonding niya ang kanyang TV wife sa Pepito Manaloto na si Chariz Solomon at ang gumanap na Young Patrick noon na si Kokoy de Santos.
Parte ng prequel na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento si Kokoy, kung saan gumanap naman bilang young Pepito at young Elsa sina Sef Cadayona at Mikee Quintos.
Nag-post ng groufie si John Feir kasama sina Chariz at Kokoy sa Instagram. Sabi pa niya sa caption, “Dalawang Patrick at ang nag iisang Janice.”
Nag-iwan din ng komento si Chariz na sinabing, “Awwwww, isang bully na patrick at isang bullied na patrick hahaha i love you both!!!”
Samantala sa panayam ng multi-awarded comedian na si Michael V. sa 24 Oras Weekend, may patikim na rin ito sa mangyayaring summer episode ng Pepito Manaloto.
Kuwento ni Direk Michael, “Nag-shoot kami sa Nueva Ecija, actually ang ganda nung pinag-shootan namin. Tapos, of course it has something to do with family. Tsaka 'yung family outside of the family ng Manaloto, pati 'yung mga taga-opisina kasama namin, tsaka mga kapitbahay.”