GMA Logo Pepito Manaloto Ang Unang Kuwento
What's on TV

Grand premiere ng 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento,' nagbigay ng nostalgic vibes sa netizens

By Aedrianne Acar
Published July 18, 2021 11:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto Ang Unang Kuwento


Umpisa pa lang 'yan ng mas maraming tawanan sa 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento!'

Petmalu ang pilot episode ng prequel ng multi-awarded sitcom ng Kapuso Network, ngayong Sabado ng gabi, July 17.

Ramdam ang excitement sa Twitterverse para sa grand premiere ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento kung saan ipinakilala ang mga bibida tuwing Sabado ng gabi na sina Sef Cadayona bilang teenage Pepito at si Kokoy de Santos na gaganap na teenage Patrick.

Nasulyapan na din ng mga Kapuso ang pagganap ng actress-singer na si Mikee Quintos bilang Elsa.

Hindi makakaila na inabangan ng mga manonood ang show at naging top trending topic pa sa Twitter Philippines.

Bago ang simula ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, todo din sa pag-promote online ang original cast members sa pangunguna nina Michael V., Manilyn Reynes, at Arthur Solinap.

Makakasama pa din tuwing Sabado ng gabi sina Direk Bitoy at Manilyn bilang narrators sa sitcom.

Samantala, bumaha naman ng papuri para sa show at marami din ang napa-throwback dahil set in the '80s ang Unang Kuwento.

Tweet ni @uwight2007 “Ang mga anak ko naumpisahan nila ang kwento nang unang kwento ngayon. Kaming mga magulang natutuwa dahil may ganito silang naexperience na naranasan namin nung bata bata din kami nung nagsimula ang Pepito Manoloto #PepitoAngUnangKuwento”

Hirit naman ni @kyahkiko, “ang nostalgic ng mga references na ginagamit like pendong kapag may kotseng kuba, 'yung tsinelas na rambo, That's Entertainment, tirador, tuck in. lumalabas edad ng mga nakakarelate haha #PepitoAngUnangKuwento.”

Aprubado din kay @VicAndrade4 ang pag-portray nina Sef, Mikee, at Patrick sa title roles ng Pepito Manaloto. “Sef, Mikee and Kokoy are really suited for the portrayal of the iconic characters Pepito, Elsa and Patrick. Ang galing! #PepitoAngUnangKuwento”

Certified trending din ang pangalan ng Boys Love [BL] series actor na si Kokoy de Santos, lalo na at nalaman na ng mga loyal fan ng Pepito Manaloto kung paano nagsimula ang pagkahilig ni Patrick sa hotdog. Napanood n'yo ba ang unang tikim ni Patrick ng hotdog, mga Kapuso?

Sa nakitang mainit na suporta online at sa televiewers, taos-puso naman ang pasasalamat ng creative director na si Michael V. sa lahat nang tumutok sa premiere ng kanilang award-winning sitcom.

Kaya walang aabsent next Saturday sa second episode ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, 6:15 PM, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Related content:

LIST: 7 reasons to watch 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento'

Sef Cadayona, tinawag na "once in a lifetime" ang pagganap bilang Pepito

Michael V., Manilyn Reynes, aminadong nagkaroon ng separation anxiety sa 'Pepito Manaloto'