
Umani man si Chariz Solomon at ang kaniyang mga co-host sa dating GMA Network noontime show na Tahanang Pinakamasaya ng pamba-bash, fulfilling at masaya pa rin para sa actress-comedienne ang naging bahagi niya sa programa.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, August 17, inamin ni Chariz na marami pa rin siyang natatanggap na pamba-bash dahil sa pagtanggap niya noon sa trabaho bilang host ng naturang noontime show.
“It's sad kasi guys, kahit hindi namin tanggapin 'yun, may ibang tatanggap nu'n, may ibang gagawa nu'n, the show will go on, it must. So tinanggap namin kasi kailangan namin ng work and sino ba naman ang ayaw sa noontime show?” sabi ng aktres.
Pagpapatuloy pa niya, “Napakasaya ng experience, ang dami naming natutunan, ibang klase rin 'yung saya, mga taong nakikilala mo. Sa 'Sugod Bahay' na segment, 'yung sa audience lang, when you talk to them? Ibang klase, nakaka-bless po.”
Aminado naman si Chariz na mas malaki ang talent fee niya kapag gumagawa siya ng soap opera o serye, ngunit iba ang fulfillment na nararamdaman niya sa paggawa ng noontime show.
Samantala, naging usap-usapan nitong January 2026 ang pag-call-out ni Chariz sa TAPE Inc., ang producer ng Tahanang Pinakamasaya. Umabot kasi sa dalawang taon bago nila natanggap ang kalahati ng kanilang sahod, ayon kay Chariz.
“Tito Boy, masayang-masaya po akong i-share na nabigay na nila 'yung 50 percent sa aming mga host and I believe sa iba ring staff at production. I think nauna pa nga siguro sila. Nabayaran na po ang 50 percent, may 50 pa na kulang na it should come by June,” sabi ni Chariz.
Nag-sorry na rin daw ang chairman ng production company dahil ayaw na rin umano nitong magkaroon pa ng samaan ng loob sa pagitan nila.
Paglilinaw ni Chariz, “He's a good man naman. Hindi naman kami galit, nagpapaalala lang.”
“Kasi po Tito Boy, may pangangailangan din kami so 'yung two months na hindi namin nakuha, siyempre may mga trabaho kaming natanggihan na siyempre, nabawas sa amin 'yun, wala kaming sinahod ng dalawang buwan,” sabi ng comedienne.
BALIKAN ANG PAMAMAALAM NI CHARIZ AT NG KANIYANG CO-HOSTS SA 'TAHANANG PINAKAMASAYA' SA GALLERY NA ITO: