
Umani ng positive reactions at comments online ang latest video ng ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Charlie Fleming, Kira Balinger, at AC Bonifacio.
Sa mini reunion nilang tatlo, napagkatuwaan nilang gayahin ang napakasiglang naging reaksyon ni Esnyr sa isa sa best moments niya sa loob ng Bahay ni Kuya.
RELATED CONTENT: Esnyr, kinagigiliwan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
Ang makulit na video ay pinangunahan ng Sparkle star na si Charlie na sinabayan naman ng Star Magic artists na sina Kira at AC.
Game na game nilang nireenact kung paano nakipagkulitan at nakipagsayawan si Esnyr noong makaharap niya ang houseguests na sina BINI Jhoanna at BINI Stacey.
Kinagiliwan ng netizens ang funny actions at steps ng tatlo na ayon sa marami ay gayang-gaya umano ang ginawa ni Esnyr noong nagulat siya sa pagdating ng mga bisita ngunit pinagbawalan silang magsalita sa loob ng Bahay ni Kuya.
Ang naturang video ay mayroon nang 2.3 million views at mahigit 319,000 heart reactions sa video-sharing application na TikTok.
@char.lng yall know what's up !! 🤯 @Kira 🌻 @ac ♬ original sound - hoswee
Samantala, matatandaang sina Ashley Ortega at AC Bonifacio ang unang evictees sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition at lumabas naman sa Bahay ni Kuya sina Charlie Fleming at Kira Balinger matapos ang ikalawang eviction night.
Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
RELATED CONTENT: Charlie Fleming and Kira Balinger's post-eviction moments from 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'