GMA Logo Chef Boy Logro
Celebrity Life

Chef Boy Logro, masaya sa kaniyang simpleng buhay sa Davao de Oro

By Maine Aquino
Published February 23, 2021 3:41 PM PHT
Updated February 23, 2021 4:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balikatan Exercise: PH, US forces train vs drones
Extreme heat kills fish in Davao City fishpond
Here's how much tickets cost for 5 Seconds of Summer's concert in Manila

Article Inside Page


Showbiz News

Chef Boy Logro


Si Chef Boy Logro ay nananatili ngayon sa kaniyang agritourism farm sa Davao de Oro.

Nang magsimula ang quarantine period ay namumuhay na sa kaniyang farm sa Davao de Oro si Chef Boy Logro.

Sa kaniyang online interview nito lamang February 17 ay ibinahagi niya ang kaniyang simpleng buhay ngayon sa kanyang binuong agritourism farm.

"Nag-enjoy ako dahil nasa farm po ako sa resort doon sa Davao de Oro. Nag-enjoy talaga ako doon dahil ang dami kong nagagawa."

Dugtong pa ni Chef Boy ang mga makikita sa farm ay bunga ng kaniyang pagsisikap sa trabaho. "'Yung aking farm may manukan, fish pond, and of course yung tanim na saging at sari-saring gulay."

Kuwento niya, "Napakaganda pala, doon ko nagawa 'yung gusto kong gawin for how many years kasi 'pag umuuwi ako doon, three days lang or five days. Nitong pandemic talagang fulfilling po 'yung nagawa ko sa farm."

Chef Boy Logro

Photo source: @chefboylogro7

Noong August 2020 ay nauna nang ibinahagi ni Chef Boy sa GMANetwork.com na bahagi ng kanyang retirement plan ang agritourism farm sa Davao de Oro.

"Lahat naman tayo may sinasabi na retirement plan. So this is my retirement plan talaga sa buhay ko.

Para kay Chef Boy, magandang desisyon sa mga nagreretiro ang pagpapatayo ng isang farm.

"Napakaganda po pala kapag meron kang farm, kasi mahirap 'yung puro ka na lang trabaho. Na-e-enjoy ko 'yung buhay ko kasi nga 'yung sa farm magandang-maganda dahil ang farm ay nandiyan [at] puwede mo pong pagkuhanan ng pagkain."

Ibinahagi rin ni Chef Boy na makukumpleto ang kaniyang agritourism farm ngayong 2021.

"Puwede na po siya... 2021 kumpleto na po siya."

Sa mga nais na tumulad kay Chef Boy na gusto ring magkaroon ng ganitong retirement plan, nag-iwan siya ng payo para sa mga ito.

"Pipiliin mo 'yung lugar na hindi pa siya masyadong overused or acidic na yung lupa. Sa Davao de Oro napakaganda pa ng lupa dahil bagong bago siyang cultivate. Ganon ang dapat na piliin nila. Malayo man dapat bilihin nila 'yun kasi mura pa. Huwag kang bumili ng mahal tapos nasa siyudad pa."

Ayon kay Chef Boy, napakababa pa noon ng presyo ng binili niya sa kaniyang farm.

"I think 20 years ago binili ko 'yung five hectares ng 57,000. Akalain mo 'yan, napakamura lang. 'Yan ang dapat na gawin natin."

Sa huli, nagbahagi si Chef Boy ng kagandahan ng pagbuo ng isang farm.

"'Pag may lupa ka, lifetime mo talaga mae-enjoy at mabubuhay ka."

Silipin ang naging tour ni Chef Boy sa kanyang agritourism farm.

RELATED CONTENT:

EXCLUSIVE: Chef Boy Logro, ibinahagi ang mga makikita sa kanyang agri-tourism farm

EXCLUSIVE: Chef Boy Logro, may payo sa mga nais sumubok ng food business