What's on TV

EXCLUSIVE: Chef Boy Logro, may payo sa mga nais sumubok ng food business

By Maine Aquino
Published August 14, 2020 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Australia holds first funerals for Bondi Beach attack victims
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Chef Boy Logro


Para kay Chef Boy Logro, magandang mag-food business kahit pa may pandemic.

Ilang mga tips ang ibinahagi ni Chef Boy Logro sa mga nais sumubok ng food business kahit na mayroong COVID-19 pandemic.

Kuwento ni Chef Boy sa kanyang mensahe na ipinadala sa GMANetwork.com, food business ang isa sa mga magandang pagkakakitaan kahit pa ngayong may new normal.

"Ang food business never na never po yang huminto. As long as may tao, may business po ng food."

Dugtong pa ng Idol sa Kusina, "Ituloy lang natin kung gusto mo talagang mag-business ng food. That is a very good idea dahil ang pagkain ay tinatangkilik ng lahat ng tao sa mundo. That's good business."


Ayon pa kay Chef Boy, may advantage rin ang nakapag-aral ng pagluluto o ng culinary. Inanyayahan naman niya ang mga nais matuto magluto na mag-enroll sa kanyang school dahil ituturo niya umano ang lahat ng importanteng detalye sa food industry. Si Chef Boy Logro ay may culinary school na CLICKS (Chef Logro's Institute of Culinary and Kitchen Services).

"'Pag aral ka, you'll never go wrong kasi may costing etc, dapat alam talaga. Dapat mag-aral. Just come to my school then I will give you the best teaching of cooking."

Sa Zoomustahan with Kapuso Brigade, ikinuwento naman ni Chef Boy ay ang paggawa ng produktong may quality kapag gustong mag-food business.

"Ang mapapayo ko sa mga nagfu-food business dapat ay may quality. Hindi dapat basta ganon na lang."

Dagdag pa niya ang importansya ng food safety lalong lalo na ngayong may COVID-19 pandemic. Importante rin umano na maging affordable ito para mas maraming makatikim nito.

"'Pag sinabi nating food industry dapat ay malinis, masarap at quality at siyempre naman affordable. Para naman kaya ng mga Pilipino na nangangailangan ng mga pagkain araw araw."

Panoorin ang bagong mga recipes ni Chef Boy Logro sa fresh episodes ng Idol sa Kusina na magsisimula na ngayong August 16 at 10:05 a.m. sa GMA Network.

EXCLUSIVE: Chef Boy Logro, excited na sa fresh episodes ng 'Idol sa Kusina'

Chynna Ortaleza shares message for 'Idol sa Kusina' on their 9th anniversary