
Puno ng pasasalamat si Chef Jose Sarasola sa morning show ng GMA Network na Unang Hirit.
Kuwento ni Chef Jose, ang unang trabaho na ibinigay sa kaniya ng GMA Network ay ang maging celebrity chef sa nasabing programa.
Saad ni Chef Jose sa Hangout episode ngayong March 16, "I'm super grateful and thankful sa Unang Hirit kasi paglipat ko ng GMA last year, sila 'yung unang unang work ko talaga. Sila talaga 'yung nagbigay ng big break sa akin."
Dugtong pa ni Chef Jose, dahil sa kaniyang pagiging celebrity chef sa programa, pumasok ang iba't ibang projects tulad ng kaniyang endorsements.
"Kasi parang 'yung peg sa akin noong time na 'yun was like hunky chef na tisoy pero nagluluto ng mga basic lutong bahay; adobo, kare-kare, mga sinigang, mga monggo na may twist. 'Yung point ko, 'yung exposure sa Unang Hirit brought in the big brands that I am currently endorsing now."
Masaya rin si Chef Jose dahil sa kaniyang mga nakatrabaho sa Unang Hirit.
"Very thankful ako sa buong Unang Hirit team... It made my experience very fun. Ang tagal ko rin sa UH mga 8 or 9 months din ako doon. It was very fun cooking ng mga kakaibang dishes."
Photo source: @chefjosesarasola
"And sa Unang Hirit, sa break na binigay nila for me. Ang daming brands napapanood ako sa Unang Hirit eventually those brands, I'm endorsing now. Kaya naman lahat ng utang na loob ko sa Unang Hirit."
Umaasa naman si Chef Jose na sana ay makabalik na siya sa show na kaniyang minahal pagkatapos ng kaniyang break.
"Hopefully soon mabalik nila ako sa segment ko kasi medyo nag-break muna ako. I think they're thinking of my segment kung ano ang gagawin ko or kung saan ako magluluto. So hopefully soon you can catch me again sa UH."
Tingnan ang iba pang handsome celebrity chefs sa gallery na ito: