
Chef JR Royol, nagbigay ng payo sa paghahanda ng pagkain gamit ang mga simpleng sangkap
Lead: Ibinahagi ni Chef JR Royol ang paghahanda ng paborito niyang Buridibud gamit ang mga sangkap sa kaniyang bakuran.
Para sa food explorer at Kapuso chef na si Chef JR Royol, iba pa rin ang pakiramdam ng nakakapaghanda ng pagkaing Pinoy.
Sa episode nitong April 11 sa Farm To Table, ibinahagi ni Chef JR ang mga bagay na kaniyang ikinatutuwa sa kaniyang trabaho.
"Isa sa paborito kong parte ng pagiging kusinero, farmer, at food explorer ay ang pagkakaroon ng pagkakataon na ibida ang ilan sa mga sangkap at putaheng talagang ipagmamalaki nating mga Pinoy."
Nitong Linggo, inihanda ni Chef JR ang isa sa kaniyang paboritong pagkain at ito ay ang Buridibud.
"Sa amin sa Ilocandia may tinatawag kaming dish na Buridibud. Buridibud is basically a Diningding pero ang pinaka main ingredient o ang pinaka main sahog niya is 'yung kamote."
Photo source: Farm To Table
Ayon sa Kapuso chef, ang mga sahog nito ay maaaring matagpuan sa bakuran ng ating mga bahay.
"Ang mga sangkap na mga kailangan ninyo, kayang kaya ninyong patubuin sa inyong bakuran.
Dugtong pa niya, "Importanteng kilala natin kung ano ang nakatubo doon. Ano 'yung lumalaki, Ano 'yung lumalago."
Nagbigay rin ng payo si Chef ang kagandahan ng pagtatanim ng mga puwedeng isahog sa pagkain.
"Kung may kontrol kayo, you might as well plant kahit mga simpleng gulayan lang na puwede ninyong isingit sa mga pang araw araw ninyong putahe."
Panoorin ang recipe ni Chef JR sa video sa itaas.
Samantala, kilalanin si Chef JR sa gallery na ito:
RELATED CONTENT:
Farm To Table: Salt and Pepper Spare Ribs with a new local flavor
Farm To Table: How to make Vanilla Panna Cotta in one minute