GMA Logo Ninong Ry
Celebrity Life

Chef-YouTuber Ninong Ry, inalala ang pinagdaanang pagsubok nang masunog noon ang mukha

By Aedrianne Acar
Published November 16, 2021 2:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Ninong Ry


Ninong Ry: “Gabi-gabi umiiyak ako”

Go-to channel ng marami ang YouTube account ng chef at businessman na si Ninong Ry o si Ryan Morales Reyes sa totoong buhay para sa masasarap na recipe.

Pero sa latest vlog niya noong November 13, binalikan niya ang isa sa pinakamatinding pagsubok na kanyang pinagdaanan. Sa isang breadmaking workshop kasi ay sumabog ang ginagamit niyang oven.

As of this writing, umabot na sa mahigit 590,000 views ang video na ito ni Ninong Ry. Ayon sa vlogger, nagtamo siya ng second at third degree burn sa kanyang mukha at braso.

Ayon kay Ninong Ry, kahit nasa ospital siya noon, sinusubukan niyang pagaanin ang pagsubok na nararamdaman sa pamamagitan ng pagjo-joke.

Pagbabalik-tanaw niya, “Pero mine-maintain ko kasi 'yung spirits ko, siyempre ayoko malugmok ng tuluyan 'di ba. Pag nandiyan ka sitwasyon kasi, 'pag lalo mo binagsak 'yung sarili mo paano ka pa aahon.”

Subalit, aminado rin si Ninong Ry na nabalot din siya ng takot sa maaring mangyari sa kanya matapos ang aksidente.

Aniya, “Noong nawala na pala 'yung unang epekto ng gamot na sinaksak sa akin, 'yung unang araw na dinala ako. Doon na nagsimula pumasok 'yung worry. Natatakot ako sa iniwan kong restaurant, natatakot ako sa hospital bills.”

Pagpapatuloy nito, “Natatakot ako na baka hindi na bumalik 'yung balat ko. Natatakot ako na mabulok mukha ko, kasi nga diabetic nga ako, as in, 'yun talaga 'yung pinaka-worry ko. Gabi-gabi umiiyak ako, tapos naalala ko noon, pinagdarasal ko na sana...eto kasi 'yung panahon na naghiwalay kami ng ex ko, bago kami magkabalikan."

“'Sana, bisitahin ako ng ex ko. Kasi, 'yung mga panahon na gustong-gusto ko magkabalikan kami.”

Source: Ninong Ry Youtube

Umabot ng anim na araw ang pagpapagaling niya sa ospital noon at tinawag na "miracle" ng kanyang mga doctor ang nangyari sa kanya dahil kahit nasabugan siya sa mukha, hindi nasira ang kanyang mga mata.

Wika ni Ry, “Sobrang miracle daw sabi nung mga doctor na hindi daw na-damage 'yung mga mata ko. Milagro na hindi daw nasunog 'yung eyelids ko, ang lakas nung apoy very thankful talaga ako.”

Nag-iwan din siya ng paalala sa kanyang subscribers na mag-ingat sa mga equipment na gamit sa pagluluto.

Aniya, “So bakit ko ginawa 'tong video na ito? Siguro para malaman ng tao itong bagay na ito, posibleng mangyari at nangyari na ito sa maraming tao. Pero still, siyempre, hindi ito dapat mangyari sa kahit kanino talaga.”

Balikan ang ilan tips niya para maiwasan ang aksidente sa paggamit ng oven sa vlog niya below.

Samantala, tingnan ang ilang celebrities na minsang nasangkot sa aksidente: