GMA Logo Chelsea Manalo
What's on TV

Chelsea Manalo, muntik nang mag-quit sa MUPH 2024 dahil sa kawalan ng financial resources

By Jimboy Napoles
Published May 27, 2024 6:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Chelsea Manalo


“Darating talaga sa point na mauubos ka and I was almost there to quit.” - Chelsea Manalo

Inamin ng newly-crowned Miss Universe Philippines 2024 na si Chelsea Manalo sa Fast Talk with Boy Abunda na muntik na siyang mag-quit noon sa nasabing beauty pageant dahil sa kawalan ng financial resources.

Sa episode ng nasabing programa ngayong Lunes, first time na sumalang sa interview ni Chelsea kasama ang King of Talk na si Boy Abunda.

Sa kanilang kuwentuhan, tinanong ni Boy si Chelsea kung totoo nga ba na binalak niya nang mag-backout sa kompetisyon noon.

Sagot naman ng Bulacan beauty, “I was on the verge of quitting na po dahil we have to face it Tito Boy, medyo matagal 'yung competition this time, inabot siya ng four months.

“Ako po, I came in here as an independent wala akong resources, I didn't have much…financial…So darating talaga sa point na mauubos ka and I was almost there to quit but because of the people who supported me.”

Dagdag pa niya, “Magastos siya kasi ako I come back and forth to Bulacan, so siguro 'yung transportation, dress, the makeup, everything, you have to provide it on your own.”

Ayon pa kay Chelsea, ang natitira sa mga perang ibinibigay sa kaniya ay siya nilang pinagkakasya upang makabili ng pagkain at ng mga damit na kaniyang gagamitin.

Aniya, “Meron naman pong kakaunting naibibigay sa akin 'yun po 'yung pinagsasama-sama na lang namin just so that we can have a little food para lang maitawid ko 'yung outfits ko. Dumating din sa point na I had to go and find a dress sa mga online selling.”

Nagpapasalamat naman si Chelsea sa lahat ng sumuporta sa kaniya upang ipagpatuloy ang nasimulan sa naturang beauty pageant. Kabilang sa mga tumulong sa kaniya ay ang kaniyang glam team, ang local government ng Bulacan, mga pribadong indibidwal, at ang kaniyang mga magulang.

“Actually sila 'yung nag-support sa akin when I almost gave up, they were there to support me. Sila 'yung nagtiwala sa akin most importantly my mom and my dad, hindi nila ako iniwan,” ani Chelsea.

RELATED GALLERY: Chelsea Manalo's inspiring journey to the Miss Universe Philippines crown