
Bukod sa official cast member na si Cheska Fausto ng longest-running gag show na Bubble Gang, kung saan nakakasama niya ang multi-awarded ace comedian na si Michael V., hindi ito ang unang beses na nagkatrabaho ang dalawa.
Noong Marso 2023, napanood din si Cheska sa isa pang hit comedy show ni Direk Michael na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento kung saan gumanap siya bilang Gaby na nakilala ng anak ni Pitoy na si Chito Manaloto (Jake Vargas).
Sa exclusive interview ng Sparkle actress sa GMANetwork.com, sinabi nito na may pagkakaiba ang experience niya noon sa shooting sa Pepito Manaloto at sa gag show na Bubble Gang.
Paliwanag ni Cheska, “It's really different from Bubble Gang although there's a comedic side to it sa Pepito Manaloto. Pero, 'yung character ko kasi dun is a little bit serious. Kasi nga, ako 'yung nang-iwan [pertaining to her role as Gaby], ako 'yung naging ka-one night stand ni Chito (Jake Vargas).”
Pagpapatuloy niya, “Dito kasi sa Bubble Gang, talagang makikita n'yo 'yung kuwela side ko, 'yung goofy side ko, 'yung Cheska that you've never seen been before talaga, I swear.”
“Pero sa Pepito I was more of like, it's more girly, demure side pa.”
Nitong Linggo, July 9, umere na ang Bubble Gang sa bago nitong timeslot sa Sunday primetime. Para sa newbie Kababol, sulit ang paghahanda niya sa first taping nila for the Sunday night episode kahit madaling araw na sila natapos.
Sabi ni Cheska, “First taping day was super, super fun! That's all I can say, kasi nga, Bubble Gang, wow! Isa kasi 'to sa mga show na big show! So talagang pinaghandaan ko siya and I was so excited for the pilot taping day to come, kasi pinag-workshop ko siya. And then nanonood ako ng mga past episodes, tapos pinag-aralan ko talaga 'yung script ko."
“And I was so excited lang to be there, so, ang saya lang. Kahit 4:00 am na kami natapos, it didn't feel work to me at all talaga.”
PRICELESS THROWBACK PHOTOS WITH THE CAST OF 'PEPITO MANALOTO':