
Isang malaking career milestone ang na-achieve kamakailan ni Kapuso actress Cheska Fausto.
Excited niyang ibinalita sa kaniyang Instagram account ang pagkakaroon niya ng billboard sa unang pagkakataon.
Makikita ang billboard ni Cheska sa Santa Monica-Lawton Bridge na kilala rin bilang Kalayaan Bridge at Bonifacio Global City-Ortigas Link Bridge.
Para ito sa isang skincare brand na ine-endorse niya.
Sa kaniyang Instagram account, nagbahagi ni Cheska ng maikling video ng pagkakabit ng billboard pati na ng pagbisita niya dito.
"'Malayo pa pero malayo na. My first ever billboard along BGC bridge. God is good!" sulat niya sa caption ng kaniyang post.
Nakatanggap naman ng mga pagabati si Cheska mula sa mga kaibigan at kapwa artista, kabilang sina Lee Victor, Elijah Alejo, Charlie Fleming, Caitlyn Stave, at Kaloy Tingcungco.
Samantala, bahagi si Cheska ng tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Gumaganap siya dito bilang Leila, isang abogado at sharpshooter na nagtatrabaho sa cybercrime division ng kapulisan.
Patuloy na panoorin si Cheska Fausto sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.
May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
MAS KILALANIN PA SI CHESKA FAUSTO SA GALLERY NA ITO: