
Hindi na maitago ng lahat ang kanilang excitement sa muling pagbabalik ng mahiwagang mundo ng Encantadia sa Philippine television!
Mula fans hanggang sa buong cast, sabik na sabik na ang lahat para sa pinakahihintay na GMA superserye ngayong taon -- ang Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa pagbabalik ng minahal na fantasy series, isa rin sa muling mapapanood ay ang beteranang Encantadia star na si Cheska Iñigo. Muli niyang gagampanan ang kanyang iconic role bilang Mashna Mayca.
Sa ginanap na Sang'gre Grand Media Conference, hindi napigilan ni Cheska ang kanyang emosyon sa pagbabalik sa mundo ng Encantadia.
"Kasi for the old encantadiks, pangatlong [encantadia serye] ko na po ito. So it's really really a big thing for me," aniya.
Masaya rin niyang ibinahagi ang ilan sa mga eksenang dapat abangan ng fans.
"I think my most memorable scenes would be the great war kasi iba talaga guys. Abangan n'yo 'yun sobrang ganda,
"My confrontations with Mitena, by Rhian Ramos, napakagaling na artista. Thank you so much for all the support."
Bukod sa event, nagpasalamat din si Cheska sa isang Instagram post kung saan inilahad niya ang lalim ng kanyang pagmamahal sa karakter at sa Encantadia universe.
"I cannot tell you how much it means to me to don the armor of Mashna Mayca once again for this series. To have been a part of this world over the last almost two decades is an honor and a gift. It has given me more than I ever imagined,” lahad pa niya.
"Thank you to everyone who has been a part of this journey with us all these years. Wala kami dito kung wala kayo."
Masaya rin niyang pinasalamatan ang mga naging bahagi sa kanyang Encantadia journey, mula sa 2005 bersyon nito hanggang ngayon.
"Friends, join us as we once again enter the world of Encantadia! Estasectu!" dagdag niya.
Kasama ni Cheska sa bagong kabanata ng Encantadia ang ilan sa mga paboritong 2016 stars nito tulad nina Mikee Quintos, Kate Valdez, Glaiza De Castro, Sanya Lopez, at Gabbi Garcia.
Makikilala rin sa bagong superserye ang mga bagong tagapangalaga ng mga brilyante na sina Bianca Umali (Terra), Kelvin Miranda (Adamus), Faith Da Silva (Flamarra), at Angel Guardian (Deia).
Kasabay nito ay ang pagpasok ng isang mapait at bagong kalaban na si Mitena, ang ice queen na ginagampanan ni Rhian Ramos.
Mapapanood na ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong Lunes (June 16) sa GMA Prime!
Habang naghihintay sa pilot episode, silipin ang mga kaganapan sa Sang'gre Grand Mediacon sa gallery na ito: